Saturday, February 7, 2009

Bakit tayo nahuhumaling sa Cartoons at Super Heroes?

Aminin natin bawat isa sa atin nararanasan ito ke bata man o matanda ke lalake o babae ke bakla o tomboy.

Sabi nila nakakatulong ng malaki ang panood ng cartoons at pagiisip na sila ay isang super hero esp. sa times ng malungkot ka,naghihirap lalo na sa buhay nangungulila at tipong sawa kana sa buhay mo, in short sa mga dipress at alang magawa sa buhay,survey says na ang panood ng ganitong palabas ay nakaktulong upang iakyat natin ang ating imagination sa ibang mundo na kung saan sila ang bida at palaging panalo,minsan ang panood nito ay may ibang saya at lakas ng loob na binibigay sa atin merong makakakuha ka ng magandang aral meron naman parang gagawin ka ng alipin at tipong maadik ka na subay bayan ito at panoorin, minsan pag oras na itinitigil natin ang anu mang Gawain para lamang mapanood at masundan ang bawat kabanata nito,noong 1980’s kung matatandaan natin dipa sing gaganda at hi tech ang mga cartoons ngayun sabi ng nila black and white paraw nun ang mga cartoons na ang madalas nakakapanood ay ung talagang mayayaman lamang dahil bibihira pa ang tv at ibat ibang babasahin nakaraniwan eh aso at pusa ang cast nito,pero ng tumungtong ang 1990’s marami ng bagong super hero ang nagsulputan tapos hi tech na meron na lumilipad,lumalangoy,nakakabuhat ng mundo kahit ang araw eh kaya ilagay sa palad nya dahil sa henyo ng tao at dahil narin cguro sa kagustuhan nya makalikha ng isang bagay na mamaaring magpahanga at bigay libangan sa bagong generation ng manonood,ngayun may mga ibang ibang paraan na para maipalabas ang mga ito minsan sa internet. Sa dyaryo may magazine narin na puro cartoons at super hero, ultimo mga laruan eh kagat din ng tao ke mahal man o mura sya basta mahalaga meron nitokung mapapansin nyo minsan pati sa panaginip dala dala natin ito na ang bida eh tayo mismo na kaya natin kontrolin at labanan ang situation sa panaginip natin na madalas tayo ang bida tayo ang panalo pero alam ba ninyo bakit talaga natin sila gusto? Sa aking pananaw kaya natin sila gusto dahil nakukumpara natin ang buhay ng hero sa buhay natin na kung saan iniisip natin sana ganun tayo para magagawa at maiiwasan natin ang tama at mali sa buhay natin,meron real kwento nun ang sabi nya nasunugan sila ung mga anak nya at buong ariaarian nila na tupok sabi nya sakin kung sana tulad ako ni superman nailigtas ko sana pamilya ko at pati pagaari ko napa isip ako oo nga kung sana pero Malabo imposible.marami sanang di mapapahamak kung lahat ng tao

may powers maiiwasan sana ang sakuna,problema,at kalamidad na gawa ng kalikasan

kung tayong lahat eh tulad ng isang super hero mapapadali sana ang lahat ng Gawain kung may powers tayo isang click lang ayos na lahat ng trabaho sa opisina

ala sanang magnanakaw at masamang loob na kumikitil ng buhay para lang makapagnakaw

ala sanang mamatay ng di naiiligtas

wala sanang mahirap na tao,ito ang nakikita ko na mga dahilan ng ibang tao ke pinoy o kano o hapon o kahit anong lahi isa ito sa mga dahilan na kung bakit patok sa buong mundo ang cartoons at super heroes dahil dito binibigyan tayo ng kakaibang pagasa lakas at tibay ng loob sa bawat pagsubok na dumadaan satin... pero ang totoong superhero ng buhay natin ay ang taong kaya tayong tangapin at mahalin kahit na hinde tayo perpekto...